Police vs mag-utol na carnapper, 1 patay
June 5, 2004 | 12:00am
Antipolo City Napaslang ang isang pinaghihinalaang notoryus na carnapper habang nakatakas naman ang kapatid nito makaraang makipagbarilan sa mga elemento ng pulisya sa naganap na shootout sa lungsod kahapon ng umaga.
Ang suspek na si Javier Llacuna ay nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang kapatid nitong si Domingo na nakatalon sa bintana at nagtatakbo sa bubungan ng mga kabahayan nang mamataan ang arresting team ng pulisya.
Ayon kay PO3 Manuel Padlan, imbestigador sa kaso, sa kabila umano ng pagbibigay ng warning shot ng mga awtoridad ay tumangging sumuko ang mag-utol na nakipagbarilan sa pulisya.
Nabatid na ni-raid ng mga awtoridad bandang alas-12:05 ng madaling araw ang hideout ng magkapatid sa Sitio Kaila, Brgy. San Roque matapos na ikanta ng nauna nilang nadakip na kasamahan na kinilalang si Edgar Pantoa, 34-anyos.
Nakuha sa tabi ng bangkay ng nasawing suspek ang isang .38 caliber revolver na mayroong lamang dalawang bala at apat na basyo ng nasabing baril.
Samantala, patuloy namang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital ang taxi driver na si Roberto Mabanta na siyang huling biktima ng mga suspek na pinukpok ng baril sa ulo matapos na nakawin ang minamaneho nitong kulay dilaw na taxi na may plakang TWV 478 kamakalawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest