Magpinsan sabay nalunod
June 2, 2004 | 12:00am
ABUCAY, Bataan Maagang kinalawit ni kamatayan ang magpinsang lalaki makaraang magkasabay na nalunod sa swimming pool sa Abucay, Bataan kahapon. Idineklarang patay sa Bataan General Hospital ang mga biktimang sina: Jelo Rodriguez at Angelo Catitir, kapwa pitong-taong gulang at residente ng Barangay Capitangan ng bayang ito. Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na pinayagan ng kanilang lolo na maligo ang mga biktima sa swimming pool ng Sibol Spring Abucay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadaganan ang mga biktima nang maglundagan ang grupo ng kabataan na kasalukuyan ding naliligo. May teorya ang pulisya na sumabay ang magpinsan sa mga tinedyer na lumalangoy at hindi inakalang ang itaas na bahagi ng pool ay paglulundagan ng mga tinedyer. (Ulat ni Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended