14 katao inaresto sa iligal na pangingisda
June 2, 2004 | 12:00am
SAN FELIPE, Zambales Labing-apat na mangingisda ang inaresto ng mga tauhan ng 301st PNP Maritime office matapos maispatang illegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Sto. Niño ng bayang ito kahapon ng umaga.
Sa nakarating na ulat kay 301st PNP Maritime office provincial officer Supt. Marco Abian, kinilala ang lider ng grupong mangingisda na si Teofilo Mayot ng Olongapo City.
Ayon sa ulat, dakong alas-9 ng umaga kahapon nang masakote ng mga awtoridad ang mga mangingisda lulan sa bangkang F/B Celton habang illegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Sto. Niño, may 7-kilometro ang layo sa baybayin ng naturang lugar.
Idinagdag pa ng opisyal na ipinagbawal ito dahil sa maraming yamang-dagat na nakahanay sa mababaw na lugar ng karagatan katulad ng mga coral reefs at isda ang namamatay o nasisira sa paglalambat.
Ang mga suspek, kabilang ang bangkang "buli-buli" ay kasalukuyang dinala sa San Felipe-Maritime office para sa karagdagang imbestigasyon kasabay ng pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended