^

Probinsiya

7 katao kritikal sa sumabog na mini-mart

-
CAMP CRAME – Pitong sibilyan ang grabeng nasugatan makaraang hagisan ng granada ng dalawang di-nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang mga rebeldeng Muslim, ang mini-mart sa Pagadian City kahapon ng umaga.

Ang mga biktimang ginagamot sa Pagadian City Medical Center at Zamboanga del Sur Hospital ay nakilalang sina: Alfonso Doliente, 21, binata, bagger sa nasabing Citimart; Jemar Jajalis, 26; Gaudencia Sandoval, 50; Jason Gonzaga, 4; Abdulraman Talumpa, 39; Ruel Zanoria, 22; at Arnold Ranien, 13.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., dakong alas-8:30 ng umaga nang pasabugin ang mini-mart.

Nabatid na dalawang lalaking lulan ng itim na motorsiklo ang naghagis ng granada sa nasabing establisimiyento na matatagpuan sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Ave., Santiago District, Pagadian City.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang mga shrapnel ng Mark 11 fragmentation grenade na siyang ginamit sa pagpapasabog.

Nabatid na ilang araw bago ang pagsabog ay nakatanggap ng ‘extortion letters’ ang may-ari ng establisimiyento mula sa mga suspek at humihingi ng P1 milyon bilang bahagi ng revolutionary tax. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDULRAMAN TALUMPA

ALFONSO DOLIENTE

ARNOLD RANIEN

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

GAUDENCIA SANDOVAL

JASON GONZAGA

JEMAR JAJALIS

JOY CANTOS

NABATID

PAGADIAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with