Bumastos sa ina, pinatay ng anak

BASUD, Camarines Norte – Isang 45-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nambastos sa ina ng kanyang kapitbahay ang tinusok ng patalim at napatay ng anak ng huli sa Barangay Langga, Basud, Camarines Norte kamakalawa. Hindi na umabot pa ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Danilo Reyes, may asawa, ng Purok 5, Barangay Dagot-Dotan, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte. Nakapiit naman ang suspek na si Salvador Rivarez, 21, ng Barangay Langga ng bayang ito. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:30 ng gabi nang marinig ng suspek ang sigaw ng kanyang ina na humihingi ng saklolo dahil sa niyakap siya ng biktima. Agad na tinungo ng suspek ang kinaroroonan ng ina kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments