Magkasintahan patay sa road mishap

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang magkasintahan makaraang masalpok ng pampasaherong bus at dyip habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay San Agustin 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Ang mga biktimang nagbakasyon lamang ay nakilalang sina: Josielyn Peralta, 22, dalaga, ng Bugallon Aurora Hills, Baguio City at Amor Cerca, 22, binata, ng Barangay Maasim, Magaldan, Pangasinan. Nakapiit naman ang drayber ng ERJOHN Bus Liner (TVZ-139) na si Rafael Maglacion ng Talon, Las Piñas City at drayber ng pampasaherong dyip (DME-772) na si Orlando Garcia ng Barangay San Francisco, General Trias, Cavite. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments