Ayon kay SBMA Chairman Felicito Payumo, sa pagitan ng taong June 2001 at Abril ng kasalukuyang taon, ang SBMA Labor department ay nakapagsagawa ng 38-job fair sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon kung saan may ilang libong bakanteng trabaho mula sa iba’t ibang locator sa Freeport ang inilaan para sa mga gustong magtrabaho.
Sinabi pa ni Payumo na may 472 kumpanyang lumahok sa naturang job fair na ginanap sa ilang probinsiya ng Central Luzon kabilang dito ang Bataan, Zambales, Pampanga, Bulacan, Olongapo at Tarlac.
Ginanap din ang nasabing job fair sa ilang malalayong lugar partikular sa La Union, Nueva Ecija, Baguio sa Northern Luzon.
Kamakailan lamang ay nakapagtala ang SBMA ng may kabuuang bilang ng 54, 273 manggagawa sa unang quarter ng taon o 55% pigura ay nanggaling sa service-related industry kung saan ang mga manggagawa ay natanggap para sa equipment repair, auction service at tourism related businesses.
Ang Olongapo City ay isang nananatiling pinakamaraming manggagawang natanggap na may bilang 26,907, sumunod ang Zambales na may 9,234 manggagawa habang ang Bataan at Pampanga ay may 7,485.
Idinagdag pa ni Payumo, na ang Subic Freeport ay nananatiling isang matatag na investment site para sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan. (Ulat ni Jeff Tombado)