^

Probinsiya

Kalahating milyon bagong trabaho nailunsad ng SBMA

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa 5,000 bagong trabaho ang naibigay sa mga job seekers sa pamamagitan ng sunud-sunod na job fair na nilikha ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na bahagi ng outreach program sa Central Luzon.

Ayon kay SBMA Chairman Felicito Payumo, sa pagitan ng taong June 2001 at Abril ng kasalukuyang taon, ang SBMA Labor department ay nakapagsagawa ng 38-job fair sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon kung saan may ilang libong bakanteng trabaho mula sa iba’t ibang locator sa Freeport ang inilaan para sa mga gustong magtrabaho.

Sinabi pa ni Payumo na may 472 kumpanyang lumahok sa naturang job fair na ginanap sa ilang probinsiya ng Central Luzon kabilang dito ang Bataan, Zambales, Pampanga, Bulacan, Olongapo at Tarlac.

Ginanap din ang nasabing job fair sa ilang malalayong lugar partikular sa La Union, Nueva Ecija, Baguio sa Northern Luzon.

Kamakailan lamang ay nakapagtala ang SBMA ng may kabuuang bilang ng 54, 273 manggagawa sa unang quarter ng taon o 55% pigura ay nanggaling sa service-related industry kung saan ang mga manggagawa ay natanggap para sa equipment repair, auction service at tourism related businesses.

Ang Olongapo City ay isang nananatiling pinakamaraming manggagawang natanggap na may bilang 26,907, sumunod ang Zambales na may 9,234 manggagawa habang ang Bataan at Pampanga ay may 7,485.

Idinagdag pa ni Payumo, na ang Subic Freeport ay nananatiling isang matatag na investment site para sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANG OLONGAPO CITY

CENTRAL LUZON

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

JEFF TOMBADO

LA UNION

NORTHERN LUZON

NUEVA ECIJA

PAMPANGA

PAYUMO

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with