Bata todas sa sekyu
May 29, 2004 | 12:00am
LUBAO, Pampanga Isang 12-anyos na batang lalaki na pinaniniwalaang isa sa pitong kasapi ng sindikato na sangkot sa pagnanakaw ng mga kable ng telepono sa ilang bahagi ng Central Luzon ang napatay nang tumutugis na security guard makaraang maaktuhan ang grupo noong Miyerkules sa Barangay Lourdes ng bayang ito.
Kinilala ni Lubao police chief Senior Inspector Amado Bais, ang biktimang nasawi na si Alexander Modeon ng Barangay Malagasang, Imus, Cavite na tinamaan sa leeg ng bala ng baril, habang ang kasamahan nito na si Cesar Ramirez ng Meycauayan, Bulacan ay tinamaan sa kamay.
Kasalukuyan namang nakapiit ang lima pang suspek na sina: Joel Alonzo ng Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan, Felicisima Modeon, 31, Sherman Jarim, 17, Rosano Donayre, 21 na pawang residente ng Brgy. Lourdes; at Jonel Bibal, 18, ng Olongapo City.
Ayon kay Bais, nakaputol na ng 50 metro ng kable ng telepono ang mga suspek nang maka-engkuwentro ng mga security guard ng PLDT branch sa naturang lugar.
Napag-alaman na sa impormasyon ng pulisya na naibebenta ng mga suspek ang isang metro ng kable sa halagang P60,000 sa palengke.
Lingid sa mga suspek na ang kable na kanilang pinutol ay nakakabit sa security system ng PLDT branch kaya naalerto ang mga guwardiya hanggang sa magkahabulan.
Sinabi nina Rommel Damsey at Danilo Pabillon, kapwa security guard ng PLDT, agad na sumakay ang mga suspek sa dyip matapos na matunugan ang ginawang pagnanakaw.
Agad namang hinabol ng dalawang sekyung nakamotorsiklo ang sinasakyang dyip ng mga suspek at pinaputukan sila ng grupo.
Gumanti naman ang dalawang sekyu hanggang sa tamaan ang biktima hanggang sa maalerto ang pulisya at makorner ang mga suspek. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended