3 minasaker ng kaanak
May 28, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong miyembro ng pamilya ng kanilang kaanak habang ang mga biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay Mangandingay, Angadanan, Isabela kamakalawa.
Napuruhan ang mga biktimang sina Ramuel Tacadeno, 34; mga anak na sina: Joel, 15; at Angelica, 5-anyos.
Nasa kritikal naman kondisyon sina: Aireen Tacadeno, asawa ni Ramuel at anak nitong si Ruel.
Positibo namang may nakakitang lumalabas ng bahay ng pamilya Tacadeno ang mga suspek na bitbit pa ang ginamit na baril.
Sa isinagawang follow-up operations ay agad naman nadakip ang mga suspek na sina: Adriano Tacadeno Avelar, 62; Raffy Avelar, 29; Ricarte Tacadeno, 32; at Reynante Avelar habang patuloy pa ang pagtugis sa dalawa pang suspek na sina: Ramie Tacadeno at Lito Tadejo.
Ayon kay Senior Superintendent Nap Estilles, Isabela police provincial director, dakong alas-7 ng gabi nang bistayin ng bala ng baril ang bahay ng pamilya Tacadeno at pinalalagay na alitan sa lupa ang pangunahing motibo ng masaker. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest