Baliw pinatay ng magkakapatid
ANGONO, Rizal Isang 29-anyos na babae na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip ang aksidenteng napatay ng kanyang tatlong utol sa sariling bahay na sakop ng Barangay San Isidro ng bayang ito kahapon ng umaga. Ang biktimang binusalan bago tinalian ng panyo at iginapos ang mga kamay ay nakilalang si Melanie Dela Cruz. Samantalang nahaharap naman sa kasong murder ang mga suspek na sina: Cristy, 33; Joel, 22; at Erick Dela Cruz, 20, na pawang residente ng San Pedro Compound ng nabanggit na barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO1 Edgar Fetalbero, na tinawagan siya ng magkakapatid dahil sa nagpakamatay umano ang kanilang baliw na utol. Masusi naman siniyasat ni Fetalbero ang bangkay ng biktima kaya nadiskubreng pinatay at hindi nag-suicide. Inamin naman ng tatlong suspek na aksidente nilang napatay ang sariling utol. (Ulat ni Edwin Balasa)