Pulis patay sa duwelo
May 27, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Halos magkabutas-butas ang katawan ng isang pulis matapos makipagbarilan sa kapwa nito parak na nasa grabe namang kalagayan dahilan sa mainitang pagtatalo na nauwi sa duelo sa Cagayan de Oro City kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si SPO2 Benjamin Soler, miyembro ng Cagayan de Oro City Police Station habang ang nakabarilan naman nito na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Polymedic Hospital ay nakilalang si P/Inspector Robas, ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 10 na nakabase sa Bukidnon.
Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., naganap ang insidente sa 2nd gate ng Xavier Heights Subdivision, Upper Balulang, Cagayan de Oro City dakong alas-12:10 ng madaling-araw.
Nabatid na nagkrus ang landas ng dalawa na pinaniniwalaang kapwa may kinikimkim na matinding galit sa isat isa hanggang sa magtalo na humantong sa barilan.
Hindi na nagawa pang maitakbo sa pagamutan si Soler matapos na masapul ng tama ng punglo sa katawan habang sinaklolohan naman ng ilang bystander si Robas na isinugod sa pagamutan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest