Bumbero pinatay sa inuman

LEGAZPI CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng kainuman ng alak sa Sitio Balogo, Barangay Santiago, Iriga City kamakalawa. Ang biktimang naimbitahan lamang sa inuman ay nakilalang si Alvin Clemeno ng Barangay San Juan, samantalang agad na tumakas ng suspek na si Constantino Ignao, 43, may asawa, magsasaka matapos na isagawa ang krimen dakong alas-7:45 ng gabi. Dahil sa isyu ng mga nanalong kandidato ang tinalakay ay pinagtalunan ng dalawang lango na sa alak ang kanilang ibinoto hanggang sa mauwi sa sigawan. Dito na isinagawa ng suspek ang krimen makaraang mairita sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments