Pinangunahan ni US DEA team leader Lt. David Scoufler, ang pagdating sa Freeport kasama ang limang miyembro nito at nagsagawa ng exercises sa mga tauhan ng PNP Maritime sa pamumuno ni Supt. Marco Abian sa simulation patrol ng Maritime speed patrol boat sa karagatang sakop ng Subic Bay at Zambales.
Ayon kay Abian, isa sa mga layunin ng naturang tactical training na binansagang "Fusion-2004 exercises" na nasa tamang kondisyon lagi ang kanilang patrol boat upang mapabilis na madakip ang malalaking sindikatong sangkot sa droga na ginagamit ang karagatan sa illegal na transshipment ng droga sa bansa.
Idinagdag pa ni Abian na bukod pa sa nasabing exercise ay nakatakda ring magbigay-donasyon ang US DEA agents sa PDEA at Maritime ng mga sopistikadong kagamitan sa pagmo-monitor at pagdakip sa mga sindikato ng droga.
Ang nabanggit na joint tactical exercises ay magtatagal lamang ng isang araw at nakatakdang tumulak ang mga US Agents sa Zamboanga upang doon ipagpatuloy ang natitira pang dalawang araw na exercise sa pagitan ng kanilang Filipino counterparts. (Ulat ni Jeff Tombado)