^

Probinsiya

USDEA sinanay ang PDEA

-
SUBIC BAY Freeport – Dumating kahapon ang grupo ng US Drug Enforcement Agency (DEA) upang magsagawa ng tatlong araw na joint tactical exercises sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Pnp-3rd Regional Maritime Office.

Pinangunahan ni US DEA team leader Lt. David Scoufler, ang pagdating sa Freeport kasama ang limang miyembro nito at nagsagawa ng exercises sa mga tauhan ng PNP Maritime sa pamumuno ni Supt. Marco Abian sa simulation patrol ng Maritime speed patrol boat sa karagatang sakop ng Subic Bay at Zambales.

Ayon kay Abian, isa sa mga layunin ng naturang tactical training na binansagang "Fusion-2004 exercises" na nasa tamang kondisyon lagi ang kanilang patrol boat upang mapabilis na madakip ang malalaking sindikatong sangkot sa droga na ginagamit ang karagatan sa illegal na transshipment ng droga sa bansa.

Idinagdag pa ni Abian na bukod pa sa nasabing exercise ay nakatakda ring magbigay-donasyon ang US DEA agents sa PDEA at Maritime ng mga sopistikadong kagamitan sa pagmo-monitor at pagdakip sa mga sindikato ng droga.

Ang nabanggit na joint tactical exercises ay magtatagal lamang ng isang araw at nakatakdang tumulak ang mga US Agents sa Zamboanga upang doon ipagpatuloy ang natitira pang dalawang araw na exercise sa pagitan ng kanilang Filipino counterparts. (Ulat ni Jeff Tombado)

ABIAN

AYON

DAVID SCOUFLER

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DUMATING

IDINAGDAG

JEFF TOMBADO

MARCO ABIAN

REGIONAL MARITIME OFFICE

SUBIC BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with