Drayber tinodas sa pilahan

TAYTAY, Rizal – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na drayber ng kapwa drayber makaraang magtalo sa pilahan ng pampasaherong dyip sa Barangay San Juan ng bayang ito kahapon ng umaga. Binawian ng buhay sa Pasig General Hospital si Roberto Agliam, samantalang ang suspek na agad naman nadakip matapos magsagawa ng follow-up operation ay nakilalang si Fernando Carmen, 41, ng nabanggit din barangay. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, na nakapila ang dyip ng biktima sa kahabaan ng San Lorenzo Ruiz St. nang paalisin ng suspek. Dito nagtalo ang dalawa dahil sa tumangging umalis ng biktima kaya inundayan siya ng sunud-sunod na saksak. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments