Drayber tinodas sa pilahan
May 25, 2004 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na drayber ng kapwa drayber makaraang magtalo sa pilahan ng pampasaherong dyip sa Barangay San Juan ng bayang ito kahapon ng umaga. Binawian ng buhay sa Pasig General Hospital si Roberto Agliam, samantalang ang suspek na agad naman nadakip matapos magsagawa ng follow-up operation ay nakilalang si Fernando Carmen, 41, ng nabanggit din barangay. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, na nakapila ang dyip ng biktima sa kahabaan ng San Lorenzo Ruiz St. nang paalisin ng suspek. Dito nagtalo ang dalawa dahil sa tumangging umalis ng biktima kaya inundayan siya ng sunud-sunod na saksak. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
Recommended