Referee dinedo ng manonood
May 25, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY May posibilidad na ang maling tawag sa liga ng basketball ang naging mitsa upang patayin sa saksak ang isang referee ng isang manonood kamakalawa ng madaling-araw sa Purok 3, Barangay Dalahican ng lungsod na ito.
Ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Christopher Recana Y Romaguera, 25, binata at residente ng Purok 2; tumakas naman ang suspek na si Ramil Eborde ng nasabi ring lugar.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Renato Pelobello, naganap ang insidente dakong alas-12:30 habang naglalakad ang biktima sa harap ng gasolinahan matapos na ito ay manggaling sa pagri-referee sa liga ng basketball.
Agad umanong inundayan ng sunud-sunod na saksak ng suspek ang biktima hanggang sa duguan at walang buhay itong bumulagta sa kalye.
Bago ang insidente ay nakita umano ang suspek na sinisigawan ang biktima dahil sa mga maling tawag nito sa kanyang kinakampihang koponan. Mas lalo pang nagalit ang suspek sa biktima nang matalo ang kanyang koponan at isinisisi ito sa huli. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended