^

Probinsiya

3 dayuhan sa Boracay massacre nasa watchlist

-
Inilagay na sa watchlist ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang tatlong dayuhan na pangunahing suspek sa Boracay massacre sa Villa La Dolce Vita sa Boracay Island noong Mayo 2, 2004.

Sa nilagdaang kautusan ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez, minamatyagan na ng mga awtoridad ang lahat ng paliparan sa bansa na posibleng lusutan ng mga suspek na sina: German national Uwe Friesl; Keith Redfern at Patrick Higgs na pawang British nationals.

Maging ang mga lokal na pantalan sa bansa ay pinamomonitor upang mapadali ang pagdakip sa mga suspek.

Bukod sa tatlong dayuhan ay tinutugis din ng mga awtoridad ang apat pang Pinoy na pinaniniwalaang sangkot sa karumal-dumal na krimen, subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan para mapadali ang isinasagawang operasyon.

Magugunitang minasaker ang mga biktimang sina: Swiss-born art gallery owner Manfred Schoeni; German property developer and villa owner Anton Faustenhauser at Hong Kong-based British architect John Cowperthwaite at katulong na si Emma Sarmiento.

Karamihan sa 124 major hotels, bars at restaurants sa Boracay Island ay pag-aari ng mga dayuhan dahil sa kinukonsiderang mas ligtas ang turista.

Sinisilip din ang anggulong posibleng sina: Redfern at Higgs ang nagbayad sa mga suspek na Pinoy para isagawa ang masaker.(Ulat ni Gemma Amargo)

ANTON FAUSTENHAUSER

BORACAY ISLAND

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

EMMA SARMIENTO

GEMMA AMARGO

HONG KONG

IMMIGRATION COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ

JOHN COWPERTHWAITE

KEITH REDFERN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with