Empleyado ng Camp Crame itinumba
May 24, 2004 | 12:00am
ANGONO, Rizal Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na empleyado ng Camp Crame ng kanyang biyanang lalaki sa naganap na kaguluhan sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Angono General Hospital ang biktimang si Labreto Vallente, NUP-controller sa nabanggit na kampo at residente ng #171 Hermosa Compound ng nasabing lugar.
Samantalang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Romulo Casaol makaraang isagawa ang pamamaslang dakong alas-8 ng gabi.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon nang pagtatalo ang misis ng biktima at amain nito hanggang sa magkasigawan sa loob ng kanilang bahay, subalit nanatiling tahimik at walang pakialam si Labreto sa nagaganap na kaguluhan.
Dito nairita ang suspek dahil sa pag-aakalang binabalewala ang kanyang pag-aaway hanggang sa magkasagutan ang dalawa.
Agad na nagbunot ng baril ang suspek at tatlong putok ng baril ang umalingawngaw hanggang sa bumulagta ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest