^

Probinsiya

Ama kinatay ng adik na anak

-
RIZAL – Animo’y kinatay na alagang hayop ang katawan ng isang 46-anyos na ama makaraang pagtatagain ng sariling adik na anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang initak hanggang sa mapatay ay nakilalang si Claudio Sta. Ana. Samantalang naghihimas naman ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Alexander Sta. Ana, walang trabaho at kapwa residente ng 132 Victoria Avenue ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Carlos Atanacio, bandang alas-3 ng hapon nang magsigawan ang mag-ama sa loob ng sariling bahay na naririnig naman ng kanilang mga kapitbahay.

Ilang minuto ang nakalipas ay tumahimik naman ang bahay ng mag-ama at sa pag-aakala ng mga kapitbahay na lumipas na ang kaguluhan.

Ayon pa sa ulat, namataan naman ng ilang kapitbahay ang suspek na lumabas ng sariling bahay na may bitbit na duguang plastic bag.

Lingid sa mga kapitbahay ay pinutol ng suspek ang binti ng sariling ama para ialay sa puntod ng namayapang lolo.

Inalok pa ng suspek na lango pa sa droga ang bitbit na binti ng kanyang ama bilang pulutan ng mga nag-iinumang kalalakihan makaraang mapadaan habang naglalakad patungo sa sementeryo.

Mabilis naman ipinagbigay-alam sa pulisya ng mga kapitbahay ang insidente at inabutan pa ang suspek sa puntod ng kanyang lolo na iniaalay ang binti ng ama. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALEXANDER STA

AMA

AYON

BARANGAY SAN JUAN

CAINTA

CARLOS ATANACIO

CLAUDIO STA

EDWIN BALASA

ILANG

VICTORIA AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with