^

Probinsiya

Konsehal binoga ng kidnaper

-
CAMP CRAME – Kasalukuyang nakikipagbuno kay Kamatayan ang isang 31-anyos na konsehal ng barangay makaraang mabaril ng isa sa mag-utol na kidnaper sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon. Inoobserbahan sa Baguio City General Hospital ang biktimang si George Gamboa ng Victoria Village matapos na tamaan ng bala ng baril sa tiyan.

Ayon sa ulat, ang biktima ay dinukot ng mag-utol at lumilitaw sa imbestigasyon na tinangkang awatin nito ang dalawang nag-aaway na may hawak pang baril. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumutok ang baril kaya tinamaan sa tiyan ang biktima. Base sa ulat, iniwan ng mag-utol na kidnaper ang biktima habang nakabulagta dahil sa takot na may rumespondeng mga awtoridad. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL

CRUZ

GEORGE GAMBOA

INOOBSERBAHAN

KAMATAYAN

KASALUKUYANG

VICTORIA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with