Sayyaf tumba sa bakbakan
May 22, 2004 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at mga bandidong Abu Sayyaf sa liblib na bahagi ng Sumisip, Basilan na ikinasawi ng isang kasapi ng Sayyaf kamakalawa, base na rin sa ulat ng militar kahapon.
Sinabi ni Col. Reymundo Ferrer, Basilan military commander, naglunsad ng operasyon ang tropa ng 55th Infantry Battalion sa Upper Baiwas dahil sa ulat na may nagpupulong na grupo ng Abu Sayyaf ang sinalakay na lugar ay kilalang dating kuta ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Bandang alas-5:30 ng umaga nang mamataan ng militar ang grupo ng Abu Sayyaf kaya sumiklab ang mainit na bakbakan na tumagal ng 10-minuto hanggang sa magsiatras ang mga bandido.
Makaraang mahawi ang makapal na usok ay lumantad ang napatay na hindi kilalang bandido at pinaniniwalaang maraming nasugatan sa iba pang kasamahan dahil sa mga patak ng dugo na nadiskubre sa rutang pinagtakasan ng Sayyaf.
May teorya naman ang mga awtoridad na sinamantala ng mga bandido ang pagiging abala ng tropa ng militar sa nakaraang halalan kaya muling bumuo ng grupo. (Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended