P10-M pinsala ng buhawi

NUEVA ECIJA – Aabot sa P10-milyon ari-arian at pananim ang iniulat na winasak ng buhawi makaraang manalasa sa pitong barangay na sakop ng Guimba, Nueva Ecija noong Martes, Mayo18, 2004. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), kabilang din sa winasak ng buhawi ay ang 80-kabahayan partikular na nasapul ay ang Barangay Sibul na nagliparan ang mga alagang hayop dahil sa lakas ng hanging dulot na rin ng bagyong "Dindo." Naitala ang pananalasa ng buhawi dakong alas-2:30 ng hapon at sa kasalukuyan ay walang iniulat na nasawi o nasugatang sibilyan sa nasabing lugar. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments