7 kidnaper na pumatay sa negosyante,timbog
May 21, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Bumagsak sa mga operatiba ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang pitong miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom (KFR) group na responsable sa brutal na pagpaslang sa mayamang negosyante noong Marso, 2004 sa Tuba, Benguet sa isinagawang serye ng operasyon sa Mountain Province kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina: Jefferson Ab-abor at Eddie Bagni na kapwa nasakote sa Brgy. Saklit, Sadanga; Delfin Palagpag at Jayson Linglingan; nalambat naman sa Bana-ao, Tadian at Cromwell Luke Flog, nalambat sa Poblacion, Bontoc; pawang sa lalawigan ng Mountain Province.
Sumunod namang nasabat sina: Raymond Dulaykan at Salvador Baday sa isinagawang follow-up operation dakong alas-10 ng umaga kahapon.
Sinabi ni Col. Danilo Servando, NAKTAF spokesman, ang mga suspek ay itinuturong responsable sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Seril Loy na kinidnap sa kahabaan ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet.
Inamin ni Ab-abor na dinukot at pinaslang nila si Loy. Matapos na kumanta ang suspek ay agad namang nagsagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng NAKTAF at nasakote ang iba pa nitong kasamahan.
Magugunita na ang sinunog na bangkay ni Loy ay natagpuan matapos itapon sa kahabaan ng Km. 38 Halsema Highway sa Alok, Benguet.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng kidnaper. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended