FPJ nilampaso ni PGMA sa 27 bayan sa Maguindanao
May 19, 2004 | 12:00am
SHARIFF AGUAK, Maguindanao Nilampaso ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kalabang KNP presidential bet na si Fernando Poe Jr. na may botong 134,046 sa final tally ng botohan sa Maguindanao at umaasa ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na makapagtatalaga na ng kuwalipikadong Maguindanaon ng bagong Gabinete kapag naiproklamang nanalo sa presidential race.
Nakakuha ng botong 193, 938 si Pangulong Arroyo mula 27-bayan sa Maguindanao kumpara kay PFJ na 59,892 boto. Samantalang si Noli de Castro naman ay nakapagtala ng 168, 502 boto, kumpara sa katungaling si Loren Legarda na may 100, 751 boto.
Iprinoklama na noong Biyernes ng Board of Canvassers, si dating Justice Secretary Simeon Datumanong bilang nanalong congressman sa ikalawang distrito ng Maguindanao, maging si reelectionist Maguindanao Gov. Datu Ampatuan ng Lakas-CMD at running mate nito na si Vice Governor Sinsuat ay iprinoklamang nanalo sa kalamangang botong 200,000 laban sa katungaling sina: outgoing Rep. Guimid Matalam at Maaroup Candao na nakakuha lamang ng botong 60,000.
Sa 27-Lakas CMD bet sa Maguindnao ay aabot sa 23 reelectionist na alkalde ang naiproklamang nanalong kandidato sa kanilang bayan. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended