Dahil dito ay nakatatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay si FPJM-STF coordinator Rodrigo Fabillon mula sa mga hindi kilalang kalalakihan.
Ang pagbabanta kay Fabillon ay ipinadadala sa kanyang cellphone "short messages services (SMS)" matapos ang May 10 elections.
Sinabi ni Fabillon, na dumagsa ang pagbabanta sa kanyang buhay makaraang kumalat ang balitang siya ay nakatangggap ng P2-milyon pondo mula kay FPJ at ang malaking bahagi ng pera ay bilang honorarium sa mga poll watchers.
Pinabulaanan naman ni Fabillon ang kumalat na malisyosong balita na tumanggap siya ng malaking halaga mula kay KNP presidential bet Fernando Poe Jr. (FPJ).
"Wala akong natatanggap na kahit sentimos mula kay FPJ; bagkus, personal na pera ang ginamit ko para kay FPJ." dagdag pa ni Fabillon.
Napag-alamang si Fabillon ay itinalagang major-general ng MNLF-Special Forces ni Muslim leader Nur Misuari habang nakakulong sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Nabatid pa sa ulat, na isang-araw bago maghahalan noong Mayo 10, sinuportahan ng mga kasapi ng MNLF ang kandidatura ni Pangulong Gloria Makapagal-Arroyo dahil na rin sa ipinalabas na kautusan ni Misuari.
Kaya naman naobliga ang mga kasapi ng MNLF-SF sa Mindanao, Sulu at Palawan na iboto si Pangulong Arroyo.
Nilinaw naman ni Fabillon, na ang paglipat ng suporta ng MNLF kay PGMA ay walang kinalaman sa kanyang tungkulin bilang FPJM-STF coordinator. "Desisyon na iyon ng MNLF," ani pa ni Fabillon. (Ulat ni Ramil Bajo)