Anak tinodas ng sariling ama

LUCENA CITY, Quezon – Nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na tinedyer ng sariling ama makaraang mapahiya ang huli sa inasal ng biktima sa loob ng videoke bar sa Barangay Kaunlarang Mayao sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang barilin ng apat na ulit ang biktimang si Andrew Sario matapos na pagsabihan ang suspek na si Alejandro Sario na umuwi na sa kanilang bahay. Sa imbestigasyon ni SPO4 Raul Avilla, dumating ang senglot na suspek sa pag-aaring videoke bar at hinahanap ang asawa, subalit pinagsabihang umuwi na lamang. Sa pag-aakalang napahiya sa mga taong nasa videoke bar ay pinagbabaril nito ang sariling anak hanggang sa mapatay. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments