4 supporters ng kandidato tinodas
May 17, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dumanak ng dugo sa isinagawang peoples power ng kampo ng magkalabang mayoralty bet matapos sumiklab ang karahasan nang pagbabarilin ng mga supporters ng incumbent na alkalde ang mga supporters ng kalaban nito sa posisyon na ikinasawi ng apat-katao sa bisinidad ng municipal hall sa Columbio, Sultan Kudarat kamakalawa ng hapon.
Ang mga nasawi na sina Marcos Sali, Kalak Mangelen, Mastura Bilik Beng at Kintol Sapi; pawang supporters ni Datu Tong Paglas, mayoralty candidate ng Laks-CMD party.
Ayon kay Demaala, ang karahasan ay sumiklab sa mismong bisinidad ng municipal hall ng Columbio bandang alas-4:30 ng hapon nitong Sabado kaugnay na rin ng desisyon ng Comelec na ilipat ang bilangan ng boto sa provincial capitol ng Isulan, Sultan Kudarat.
Sinabi naman ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero na naglunsad ng "People Power" ang grupo nina Paglas at ng katunggali nitong si reelectionist Columbio Mayor Edwin Bermudez sa nasabing lugar.
Nabatid na mahigpit na tinututulan ng peoples power ang may 300 nitong mga supporters sa harapan ng munisipyo.
Sumunod naman ang mga daan-daan ring supporters ni Paglas na nagbabantay sa paglilipat ng mga balota.
Gayunman, habang daan ay bigla na lamang ang mga itong pinaulanan ng putok ng mga armadong supporters ni Bermudez matapos na magkaroon ng komosyon sa pagitan ng magkabilang panig.
Bunga ng naganap na karahasan ay mahigpit ngayong binabantayan ng tropa ng Armys 604th Brigade at 66th Infantry Battalion (IB) ang nasabing lugar upang harangin ang posible pang pagdanak ng dugo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Doris Franche-Borja | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
Recommended