^

Probinsiya

Bilangan sa Cainta nabulabog

-
Cainta, Rizal – Nabulabog ang isinasagawang bilangan ng mga boto matapos na paputukan ang munisipyo ng bayang ito habang isinasagawa ang bilangan ng mga boto kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni P/Supt. Mario Soriano, hepe ng Cainta Police, bandang alas-9:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa kainitan na rin ng pagbibilang sa mga boto ng mga Board of Election Inspectors (BEIs).

Dahil dito ay mabilis na nagsilabas ng munisipyo ang mga BEIs, poll watchers at mga taong nagmamasid sa bilangan na sa sobrang taranta ay nagkasakitan pa sa pagtutulakan palabas ng gusali.

Wala namang naarestong suspek ang mga rumespondeng awtoridad at dahil sa pangyayari ay inilipat na lamang ang bilangan sa kapitolyo ng Pasig City.

Sa kasalukuyan ay medyo malaki na ang agwat ng dating broadcaster na si Mon Ilagan laban kay incumbent Mayor Nick Felix na naghari sa nasabing bayan sa loob ng maraming taon. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

CAINTA

CAINTA POLICE

DAHIL

EDWIN BALASA

MARIO SORIANO

MAYOR NICK FELIX

MON ILAGAN

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with