Sekyu tinubo,tigok
May 16, 2004 | 12:00am
Camp Pantaleon Garcia, Cavite Hindi na nagising pa sa kanyang pagkakatulog ang isang security guard matapos itong pukpukin sa ulo ng di pa nakilalang salarin sa Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.
Basag ang bungo nang matagpuan ng kanyang live-in partner ang biktimang kinilalang si Roy Limbag, 40-anyos, stay-in security guard sa Dumpsite, Brgy. Salawag ng bayang ito.
Sa report ni P/Chief Inspector Antonio Yarra, hepe ng Dasmariñas Police, bandang alas-5:20 ng madaling-araw nang madiskubre ni Ema Ruelo, 42, ang duguang bangkay ng kanyang kalive-in sa binabantayan nitong dumpsite sa naturang lugar.
Pinaniniwalaan namang ang biktima ay hinataw ng matigas na bagay na siyang ikinabasag ng bungo nito.
Ang biktima ay huling nakitang buhay dakong alas-10 ng gabi habang naglalaro ng tong-its at nagpapaantok. Sa kasalukuyan ay wala pa ring matukoy na suspek ang pulisya sa naganap na krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended