Billman, iprinoklamang alkalde ng Castillejos
May 15, 2004 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Pormal ng iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) si Wilma D. Billman bilang halal na alkalde ng bayang ito matapos makakuha ng dalawang puntos na kalamangan sa kalaban nito noong Huwebes ng gabi.
Pero bago maiproklama ang kanyang pagkapanalo ay dalawang abogado ng natalong kandidato na si Castillejos incumbent Vice Mayor Jose Angelo Dominguez, ang nagpapigil sa Comelec na ipagpaliban ang proklamasyon ni Billman dahil sa mga teknikalidad na isinampa.
Nagkaroon nang debate sa pagitan ng mga abogado ni Dominguez at ni Comelec Municipal Officer III Roberto Misa.
Ipinaliwanag ni Misa na tapos na at pinal ang canvassing sa bilangan ng boto para sa pagka-alkalde at dapat ay ideklara si Billman na nanalo sa pagka-alkalde matapos makakuha ng 5, 129 boto laban kay Dominguez na nakakuha ng boto na 5, 127.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ipagpapaliban sana ni Misa ang proklamasyon kay Billman na labis na ikinabigla at ikinagalit ng 2,000 taga-suporta ng naturang alkalde. Dahil dito ay biglang umalma ang mga taga-suporta ni Billman at nilusob ang buong paligid ng munisipyo.
Upang matapos ang kaguluhan at tensyon sa naturang lugar ganap na alas-6 ng gabi nang magpasya si Misa na iproklama si Billman bilang alkalde at dito lamang kumalma at naghihiyawan sa kagalakan ang mga supporter.
"Sa wakas ay nanumbalik ang kasaganahan at kalayaan ng mga residente ng Castillejos ngayong si Billman ang naging alkalde namin." Pahayag ng mga supporter ni Billman. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended