^

Probinsiya

Tren vs Dyip: 4 patay, 2 grabe

-
TIAONG, Quezon – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang apat na sibilyan habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng tren ang papatawid na dyip ng mga biktima sa riles na sakop ng Barangay Lalig, Tiaong, Quezon, kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa nasawi ay tinukoy sa pangalang Reynaldo, Crisencio, Samuel Visgara at Antonio Dominador na pawang residente ng Gabaldon, Nueva Ecija.

Kasalukuyan naman nakikipaglaban kay Kamatayan sina: Joel Visgara at Crispin Natividad. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, patungo sana ang dyip (DTW-387) sa Bicol Region para mag-deliver ng 600 kilong sibuyas mula sa Nueva Ecija nang salpukin ng rumaragasang tren. May palagay ang mga imbestigador na hindi namalayan ng drayber na may paparating na tren bandang alas-3 ng madaling-araw. (Ulat ni Celine Tutor)

ANTONIO DOMINADOR

BARANGAY LALIG

BICOL REGION

CELINE TUTOR

CRISENCIO

CRISPIN NATIVIDAD

JOEL VISGARA

KAMATAYAN

NUEVA ECIJA

QUEZON

SAMUEL VISGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with