Ambush: 4-katao dedo

CAMP AGUINALDO – Apat-katao kabilang na ang tatlong kasapi ng Cafgu Active Auxilliary (CAA) ang tinambangan at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay lulan ng habal-habal na motorsiklo sa liblib na bahagi ng Barangay Tinuyop sa bayan ng Leon Postigo, Zamboanga del Norte kamakalawa, ang mga nasawing biktima na sina: Cafgu Active Auxilliary (CAA’s) Bernardo Cantao, Leoren Insiong, Ben Cadis at ang sibilyang si Francisco Hinayhinay.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang pananambang dakong alas-4:30 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng naturang kalsada patungo sa Barangay Sipakong mula sa Poblacion. Nagkalat naman ang maraming basyo ng malalakas na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos

Show comments