Base sa talaan na nakalap ni Orlando Torres, provincial Comelec officer, ang mga nanalong kandidato ay sina: Congressman Antonino Roman Jr. ( Liberal Party) kinatawan sa Unang Distrito laban kay Gaudencio Ferrer ng Lakas CMD.
Samantalang ang mga nagwagi sa pagka Sangguniang Panlalawigan Members ay sina: Rod Salandanan; Rod Izon, correspondent ng dzMM/ABS-CBN; Papo Roman; Edwin Enrile na kapwa National People Coalition (NPC) at Orlando Miranda ng Lakas CMD.
Sa pagka-gobernador ay nananatiling nangunguna si Enrique Garcia ng Lakas-CMD na nakapagtala ng 84,385 kumpara sa botong nakuha ni NPC Rogelio Roque na nakapagtala naman 72,401 lamang mula sa 9 na bayan.
Samantalang, maging ang 10 incumbent mayor ay nakakasigurado ng panalo base na rin sa unofficial report na isinasagawang tabulation ng Municipal Election Monitoring Action Center (MEMAC). (Ulat ni Jonie