Nakipagtalo sa bilangan binoga
May 14, 2004 | 12:00am
LIMAY, Bataan Isang 33-anyos na kawani ng Munisipyo ng Limay ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng retiradong pulis dahil sa pakikipagtalo sa bilangan ng boto ng kanilang kandidato sa nasabing bayan kamakalawa. Ang biktimang ginagamot sa Bataan Doctors Hospital dahil sa siyam na tama ng bala ng baril ay nakilalang si Joey Sevilla, 33, may-asawa, samantalang ang suspek na agad naman dinakip ay kinilalang si Herminio de Mesa Jr., 54, dating pulis at kapwa ng Barangay Saint Francis l, Limay, Bataan.
Ayon kay P/Supt. Bonifacio Cacho, hepe ng Bataan police intelligence, si De Mesa ay lider ni ex-mayor Floro Roxas ng Partido Sosyalista Demokratika ng Pilipinas (PSDP) samantalang ang biktima ay lider naman ni reelectionist Mayor Nelson David ng Lakas-CMD. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest