Pulis tinodas sa canvassing center
May 14, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya makaraang makipagtalo at magkapikunan ang biktima sa kawal ng Phil Army sa ipinatutupad na security sa canvassing center sa Madridejos, Cebu kamakalawa ng hapon.
Napuruhan ng bala ng baril ang biktimang si SPO4 Arsenio Escarda, OIC sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan, samantalang sumuko naman ang suspek na si Staff Sgt. Mario Benito ng intelligence operative ng Armys 78th Infantry Battalion.
Naitala ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa Multiplex Gymnasium ng naturang lugar habang isinasagawa ang bilangan ng boto.
Kasalukuyang sinusuperbisa ng biktima ang seguridad ng canvassing center nang biglang dumating ang suspek na lulan ng mini-cruiser type jeep.
Sa hindi nabatid na dahilan ay agad na nagtalo ang dalawa hanggang magkapikunan na humantong sa krimen habang kaharap ang mga botante, ayon pa sa ulat.
Mabilis naman lumayo sa hindi nabatid na direksyon ang suspek tangay ang baril ng biktima habang isinugod sa ospital si Escarda, subalit hindi na umabot pa ng buhay.
Makalipas ang ilang oras ay boluntaryo namang sumuko ang suspek sa kanyang superyor na si Capt. Gilbert Ombos, team leader ng augmentation force ng Armys 78th Infantry Battalion na nakatalaga sa Bantayan Island. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest