Ambush: Kawal todas, CAFGU sugatan
May 13, 2004 | 12:00am
LEGAZPI CITY Tinambangan at napatay ang isang kawal ng Phil. Army ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang sugatan naman ang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) makaraang lumubog ang niratrat na bangkang sinasakyan ng mga biktima sa karagatang sakop ng bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa. Tinukoy ang nasawing biktima na si Sgt. Recolito Cervantes ng 42nd Infantry Battalion, sugatan naman si Romeo Fullero na kasapi ng CAFGU. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Kampo Simeon Ola, naitala ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi, matapos na magbantay ang mga biktima sa isinagawang bilangan sa Brgy. Bon-ot at patungo sana sa Globe cellsite na kanilang babantayan dahil sa puntirya ng mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am