Kandidatong mayor nanggulpi
May 12, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nalagay sa balag ng alanganin ang isang mayoralty bet matapos na gulpihin ang isang supporter ng mahigpit nitong karibal sa kandidato dahil sa mainitang pagtatalo sa distribusyon ng mga sample ballot sa ginanap na botohan sa polling precinct sa Bagangga, Davao Oriental kamakalawa.
Kinilala ang nanggulpeng mayoralty bet na si Remegio Nazarino habang ang biktima ay nakilala namang si King Francis Genilla, 27, may-asawa, residente ng Brgy. Salingcomot at masugid na supporter ng kalaban ng suspek na si mayoralty candidate Gerry Morales.
Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga ng maganap ang insidente sa Sitio Olin, Brgy. Mahan, Bagangga, Davao Oriental.
Nabatid na kasalukuyang namamahagi ng mga sample ballot sa mga botante ang biktima nang biglang harangin ito ni Nazarino kasama ang kanyang mga alalay.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng nasabing mayoralty candidate at ng biktima hanggang mapikon ang suspek kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended