^

Probinsiya

Polling precint pinasabog: 5 botante grabe

-
CAMP AGUINALDO – Limang botante ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang pasabugan ng granada ng mga rebeldeng Muslim ang polling precinct habang ginaganap ang botohan sa Barangay Piksan, Calanugas, Lanao del Sur kamakalawa.

Base sa ulat na nakalap sa Camp Aguinaldo, kinilala ang mga biktima na sina: Ismael Sarip, 25; Alnor Usop, 18; Lao Andar, 23; Usop Marit at Balandoy Andar, 18, na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat, naitala ang karahasan bandang alas-8:30 ng umaga sa Calanugas Elemenary School habang bumoboto ang mga biktima.

Nagpulasan ang iba pang botante makaraang maghasik ng karahasan ang mga hindi kilalang rebeldeng Muslim.

Bunga ng nasabing karahasan ay idineklarang failure of election ang bayan ng Calanugas kabilang ang apat pang munisipalidad sa Lanao del Sur.

Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng tropa ng militar at pulisya ang mga armadong rebelde na pinaniniwalaang mga tauhan ng ilang politiko.

Samantalang, nagkalat naman ang pekeng P1000 at P500 na pinaniniwalaang ipinamudmod ng mga politiko sa mga botante sa Catanduanes.

Sa Barangay Oma-Oma, Ligao City ay pinatigil ang botohan ng mga kalalakihang nagpakilalang militar mula sa 65th Infantry Battalion ng Phil. Army. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

vuukle comment

ALNOR USOP

BALANDOY ANDAR

BARANGAY PIKSAN

CALANUGAS

CALANUGAS ELEMENARY SCHOOL

CAMP AGUINALDO

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

ISMAEL SARIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with