19 tauhan ng mayor na nasamsaman 13 baril
May 12, 2004 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Limang pulis, isang sundalo at labintatlong empleyado ng Antipolo City Hall na pinaniniwalaang mga supporters ni Antipolo City Mayor at reelectionist Angelito Gatlabayan ang naaresto ng mga kagawad ng pulisya sa police checkpoint makaraang masamsam ang ibat ibang uri ng baril kamakalawa ng hapon sa nasabing lungsod.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Leocadio Santiago, Rizal Provincial Director, ang mga dinakip na sina: P/Insp. Danilo Urbaton, 45, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A; PO2 Luisito Aninas, 38, nakatalaga sa PDEA CALABARZON; SPO2 Florencio Ramos, 54; SPO1 Alfredo Benito, 40; SPO1 Marlo Quiambao, 41; pawang nakatalaga sa Antipolo City Hall Detachment, Sgt. Edgar Villanueva, 33, miyembro ng Phil. Navy na nakatalaga sa ISAFP.
Kabilang naman sa empleyado ng Antipolo City Hall ay sina: Dioscorro Patagani, 50; Reynaldo Mallari, 29; Godofredo Raudin, 50; Faconilo Olivo, 32; Domingo Conazaga, 55; Hermigildo Trecencio, 44; Wilson Ocampo, 32; Mariano Mendiola, 44; Jonathan Alcantara, 25; Pabito Beltran, 46; Ben Parado, 43; Sandy Sabanal 29, at Abraham Samson.
Nakuha sa mga ito ang labintatlong baril kabilang ang uzi submachine gun, tatlong M-16, limang 9 mm, 2 kalibre .45, 2 kalibre .38 baril.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong alas-4:30 ng hapon sa police checkpoint sa kahabaan ng Olalia Rd. Brgy. Dela Paz ng lungsod na ito.
Nabatid na sakay ng kulay maroon na Nissan Patrol (XLV-725), Mitsubishi Delica (SBV-591) at Toyota Grandia (SFX-673) ng masita ng mga kagawad ng pulisya.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang mga naaresto habang pansamantalang nakaditine sa Rizal Prov. Headquarters.
Sinikap ng pahayagang ito na kunin ang panig ni Mayor Gatlabayan subalit hindi ito nakausap. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
Recommended