Pulis grabe sa bundol ng van

HERMOSA, Bataan – Malubhang nasugatan ang isang kagawad ng pulisya na kasapi ng augmentation force mula sa Camp Crame makaraang mahagip ng rumaragasang van habang ang biktima ay nag-aayos ng Comelec signboard sa harap ng himpilan ng pulisya sa Barangay Culis sa bayang ito kahapon. Kasalukuyang ginagamot sa Dinalupihan District Hospital ang biktimang si PO1 Bonifacio Capati Cruz. Samantalang ang suspek na agad naman nasakote ay nakilalang si Nelson Dominguez, 32, may-asawa, kawani sa San Miguel Brewery, driver ng Isuzu van (WSA-263) at residente ng 90 Molave Street, Doña Francisca Subd. Balanga City, Bataan.(Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments