Van vs tulay: 8 patay, 2 grabe
May 10, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Walo-katao kabilang ang apat na bata ang nasawi habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang van ng mga biktima sa gutter ng tulay kamakalawa ng madaling araw sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Nakilala ang mga nasawi na sina: Melito Diez Sr., driver ng sasakyan; Dadang Diez, 32; Tala Lamata, 38, Deding Lamata, 37 at ang mga batang sina: Kikay Diez, 1-anyos; Melito Diez, 3; Cherry Ann, 4 at Jean Lamata, 12-anyos.
Ang malubhang nasugatan na nakilala namang sina: Loa Lamata, 4 at Joan Lamata, 27, ay mabilis na isinugod sa ospital.
Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw habang binabagtas ng mga biktima sakay ng kulay pulang van na may plakang GSG-431 na minamaneho ni Melito Diez Sr. ang kahabaan ng national highway Santiago, Agusan del Norte patungong Surigao City.
Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya tuluy-tuloy na sumalpok sa gutter ng Ginuyuran, Bridge ang nasabing sasakyan.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima at agad na binawian ng buhay habang dalawa ang duguang isinugod sa pagamutan ng mga nagrespondeng awtoridad.
Kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended