6 grabe sa bomb explosion
May 9, 2004 | 12:00am
Camp Crame Anim katao ang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng sumabog ang isang dynamite bomb na inihagis ng isang lalaki sa lalawigan ng Sulu, ayon sa ulat kahapon.
Ang mga biktima na mabilis na isinugod sa Sulu General Hospital ay nakilalang sina: Nawali Pakilulla, 60; Ben Pakilulla, 40; Norma Asddi, 45; Natrisia Madjaliya, 60 ; Jara Bictod, 40 at di pa nakilalang 2 anyos na bata.
Agad namang nasakote ang suspek na kinilalang si Espelman Hari, 32, at residente ng Badjao Village, Brgy. Bualo, Maimbung, Sulu matapos magresponde ang mga awtoridad sa naganap na pagsabog.
Base sa report, naitala ang insidente habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa nabanggit na lugar nang sumulpot ang suspek at hagisan ang mga ito ng granada.
Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek sa detention cell ng Maimbung Municipal Jail. (Ulat ni Angie de la Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am