4 LTO members tiklo sa extortion
May 9, 2004 | 12:00am
Camp Simeon Ola, Legazpi City Apat na miyembro ng Land Transportation Office Flying Squad ang naaresto ng mga awtoridad matapos maaktuhang nangongotong sa mga motorista sa kahabaan ng highway ng Naga City, Camarines Sur kamakalawa.
Ang mga suspek ay nakilalang sina: Antonio Magistrado, 56; Jorge Chavez, 32; Noel Saberola, 41; pawang ng Polangui, Albay at Jessie Hernandez, 37, ng Magarao, Camarines Sur.
Batay sa report, bandang alas-7 ng gabi nang dakpin ng mga tauhan ng 504th Police Provincial Mobile Group at Camarines Sur Provincial Police Office ang mga suspek nang mahuli ang mga ito sa aktong nangongotong sa mga motorista sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Mabolo ng lungsod.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang P1,440 cash, isang kutsilyo, isang flashlight at isang L -300 Mitsubishi van na may plakang SHE-544 na may LTO markings. Kasalukuyang nang humihimas ng rehas na bakal ang mga suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest