^

Probinsiya

5 NPA rebels patay sa engkuwenntro

-
LUCENA CITY, Quezon – Mistulang naging eksena sa pelikula ang naganap na engkuwentro ng mga elemento ng Phil. Army at grupo ng New People’s Army (NPA) makaraang maghabulan sa dalawang bayan ng Bondoc Peninsula na ikinasawi ng limang rebelde kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa opisina ni Southern Luzon Command commander Lt. Gen. Alfonso Dagudag, isa pa lamang sa limang NPA ang nakilalang si Alyas Elad/Joko na kasapi ng Apolonio Mendoza Command.

Sa inisyal na ulat, bandang alas-2:30 ng hapon nang masabat ng mga tauhan ni Capt. Abayari ng 74th Infantry Battalion ang 40 miyembro ng NPA sa itinayong checkpoint sa Barangay San Isidro, San Nicolas, Quezon.

Umaatikabong putukan ang umalingawngaw na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang rebelde.

Mabilis naman nagsitakas ng mga rebelde patungong Barangay Anyao, Catanauan, Quezon nang mamataan nalagasan sila ng dalawa, subalit hinabol sila ng tropa ng militar at muling nagpalitan ng putok hanggang sa dumulagta ang tatlo pang rebelde.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang M-16 armalite rifle, 116 bala ng 50 caliber at magazine ng 9mm. (Ulat ni Tony Sandoval)

ALFONSO DAGUDAG

ALYAS ELAD

APOLONIO MENDOZA COMMAND

BARANGAY ANYAO

BARANGAY SAN ISIDRO

BONDOC PENINSULA

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

QUEZON

SAN NICOLAS

SOUTHERN LUZON COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with