^

Probinsiya

2 campaign lider dedo sa barilan

-
MARIVELES, Bataan – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga lider ng magkalabang kandidato sa pagka-alkalde sa May 10 elections ang kumpirmadong napatay sa naganap na sagupaan sa loob ng sabungan sa Barangay San Isidro, Mariveles, Bataan kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga biktima ay kinilala ni Police Senior Supt. Sahiron Dula Salim, Bataan police provincial director, na sina: Ireneo Macayugay, alyas "Alakdan", 50, trader, may-asawa, tubong Nueva Ecija at nakatira sa Barangay Ipag; Alex Guavez, ambulance driver ng Barangay Camaya at Jimmy Roy, meat trader ng Lakandula St., Poblacion, Mariveles.

Kinilala naman ang malubhang nasugatang si Francisco Villaluz na ngayon ay ginagamot sa Bataan General Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Macayugay ay lider ni re-electionist Mariveles Mayor Angel Peliglorio ng Nationalist People’s Coalition (NPC) habang si Roy naman ay lider ni Vice Mayor Victoriano Isip na kumandidatong alkalde ng Mariveles sa ilalim ng Lakas-CMD.

Nag-ugat ang shootout noong Lunes ng gabi matapos na magbatuhan ng maaanghang na salita ang magkalabang partido noong campaign rally.

Bandang alas-2 ng hapon nang magkita nga sa sabungan ang grupo ni Roy at Macayugay hanggang sa magbanatan.

Kapwa nakahandusay ang tatlo nang datnan ng mga awtoridad habang pinaghahanap naman ang sasakyan (WGE-705) ng grupo ni Roy pinaniniwalaang pag-aari ni Mayor Albert Garcia, congressional bet sa ikalawang distrito na pinagtaguan ng mga baril na ginamit sa shootout. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

ALEX GUAVEZ

BARANGAY CAMAYA

BARANGAY IPAG

BARANGAY SAN ISIDRO

BATAAN GENERAL HOSPITAL

FRANCISCO VILLALUZ

IRENEO MACAYUGAY

JIMMY ROY

JONIE CAPALARAN

MARIVELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with