Ito ang kinumpirma ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko kaugnay na rin ng puspusang operasyon upang mabitag si Janjalani.
Gayunman, ayon kay Kyamko ay nabigo ang tropa ng mga sundalo na madakip si Janjalani matapos itong mabilis na makatakas
Si Janjalani ay may patong sa ulong $1-M mula sa Estados Unidos at karagdagang P10-M naman ang inilaan ng pamahalaan kapalit ng ikadarakip ng tila may sa palos na Sayyaf leader.
Ayon kay Kyamko bago naispatan si Janjalani sa Mt. Cararao, isang kampo ng MILF sa bulubunduking bahagi ng Lanao del Sur ay nauna na itong naispatan ng mga intelligence operatives ng militar sa bahagi ng Cotabato.
Ang nasabing lider ng ASG ay wanted kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng kidnapping-for- ransom (KFR) sa rehiyon ng Mindanao kabilang na ang pagdukot sa mag-asawang Amerikanong misyonaryo na sina Martin at Gracia Burnham na binihag kasama ang may 18 pang katao sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001 kung saan ang mga bihag ay itinago sa Basilan.
Tiwala naman ang opisyal na di na magtatagal at mapapasakamay na ng tropang gobyerno si Janjalani. (Ulat ni Joy Cantos)