^

Probinsiya

10 NPA rebels patay,6 sugatan sa landmine

-
Camp Aguinaldo – Sampung miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang anim pa ang malubhang nasugatan matapos na aksidenteng sumabog ang patibong na landmine laban sa tropa ng militar sa isinasagawang ‘demolition training’ sa Esperanza, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Sa panayam, sinabi ni Lt. Col. Felicisimo Budiongan, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID), ang insidente ay naganap bandang alas-3 ng madaling araw sa Brgy. Kinamayhay ng nasabing bayan.

Base sa report na natanggap ni Budiongan, kasalukuyan umanong nagsasanay sa ‘demolition’ o pagtatanim ng bomba ang isang pulutong ng mga rebeldeng NPA bilang patibong laban sa tropa ng pamahalaan nang aksidente itong sumabog.

Sunud-sunod na malalakas na pagsabog ang narinig sa lugar na kumitil ng buhay ng sampung rebelde na karamihan ay nagkalurayluray ang katawan habang anim pa ang malubhang nasugatan.

Kabilang sa mga nasawing rebelde ay kinilala sa pangalang Alfredo Mapuno at Tito Abucayan habang inaalam pa ang mga pangalan ng iba pa.

Gayunman, ayon sa opisyal ay kasalukuyan pa nilang inaalam ang mga detalye sa naganap na pagsabog kung saan ay nagpadala na ng tropa ang Army’s 4th ID sa nasabing lugar para hanapin sa mga pagamutan ang mga nasugatang rebelde.

Ang paggamit ng landmine ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng protocol ng Geneva International Humanitarian Law sa pagitan ng dalawang magkalabang puwersa.

Sinabi naman ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Daniel Lucero na dahilan sa planong pantratraydor sa militar ay ang mga rebelde mismo ang minalas sa insidente. (Ulat nina Joy Cantos at Angie de la Cruz)

ALFREDO MAPUNO

CAMP AGUINALDO

CHIEF LT

DANIEL LUCERO

FELICISIMO BUDIONGAN

GENEVA INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with