Espiya ng militar nilikida ng mga rebelde
April 29, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang 49-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya ang dinukot at pinatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang kinaladkad papalabas ng kanyang bahay ng mga kabataang rebelde ay nakilalang si Rogelio Layon, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Lumilitaw sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa loob ng sariling bahay nang pasukin ng mga rebelde dakong ala-1:30 ng hapon.
Itinali ang dalawang kamay bago kinaladkad ng may ilang metrong layo mula sa sariling bahay at pinaputukan ng may ilang ulit.
Bago pa maganap ang pamamaslang ay nakakatanggap na ng pagbabanta sa grupong maka-kaliwa ang biktima dahil sa pagiging espiya ng militar at pulisya.
Binalewala naman ng biktima ang banta ng mga rebelde hanggang sa maganap ang insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest